OBLATION RUN '13
Ika-13 ng Disyembre 2013, Biyernes, tanghaling tapat sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman ay muling naganap ang taunang pagtakbo, na mas kilala sa tawag na Oblation run, ng ilang kalalakihang miyembro ng APO (Alpha Phi Omega) fraternity. Ito ay isa sa mga pinakamalaki at pinakakilalang okasyon at aksyon na ginagawa ng mga miyembro ng nasabing fraternity sa ilang mga unibersidad sa bansa, na mas kalimitan ay sa mga UP campus. Taon-taon itong inaabangan ng maraming mga tao, estudyante man ng unibersidad o hindi, o kaya’y Pinoy man o dayuhan, marahil dahil sa sila ay interesadong masaksihan kung ano ba talaga ang nangyayari sa tuwing may Oblation run, o kung hindi nama’y nais lamang talaga nilang maging bahagi ng nasabing makasaysayang kaganapan.
![Picture](/uploads/2/4/2/7/24273993/9254661.jpg?379)
Wala pang alas-dose ng tanghali ay halos mapuno na ng mga nag-aabang na estudyante ang AS Lobby. Halos bawat isa ay makikitang may nakahandang camera, tablet o celphone na hawak upang sa pagdaan ng mga "runners" sa kanilang harapan ay makakuha manlang sila ng kung tawagin ay souvenir ( o di kaya'y selfie shot #OblationRun). Mayroong mga unang beses palang makakapanood, mga freshies at mga taga-ibang paaralan. Meron din namang maari nang tawaging beterano sa panonood dahil sa taon taon nilang pagsubaybay sa Oblation run.
![Picture](/uploads/2/4/2/7/24273993/8060614.jpg?419)
Ilang minuto pa ang nakalipas ay narinig na ang mga tunog ng drums sa labas ng Palma Hall. Nagsipaghiyawan ang mga tao sa loob at labas ng gusali. Mapa-anuman ang kasarian ay pare-parehong hindi magkamayaw ang lahat sa paglabas ng kani-kanilang mga pangkuha ng litrato, at masiglang naghanda sa pagpasok ng mga tatakbo sa loob ng gusali. Ilang sandali pa'y namataan na ang simbolo (logo) ng APO na dala ng marahil isang miyembro papasok ng AS lobby. At kasunod nito ay nagsitakbuhan na nga papasok ang mga hubo't hubad na nakamaskarang mga lalaki. Ang ilan sakanila ay may hawak na mga rosas at ang iba naman ay may dala-dalang mga plakard na nagsasaad ng mga protesta at mensahe sa mga namamalakad ng ating gobyerno. Ang tema ng kanilang protesta sa taong ito ay ang pagbatikos sa pork barrel scam, ang bagsak na risk reduction and management at ang mabagal na pag-aksyon ng gobyerno sa muling pagbangon ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
Ang Oblation run ay isang simboliko at artistikong paraan ng pagpoprotesta at pagpapahayag ng mga isyu ng lipunan at pamahalaan. Malalaman natin sa kasaysayan ng APO fraternity na nagsimula lamang ang ganitong kakaibang klase ng pagkilos sa kanilang tradisyon bilang isang panunuya sa rehimeng Marcos. Dahil sa mapangahas subalit matapang na pagkilos na iyon ay nakakuha sila ng malaking atensyon, reaksyon at koneksyon sa mga tao. Kaya naman naisipan na nilang ganapin ang Oblation run taon-taon nang sa gayon ay tuloy tuloy rin ang pagpukaw nila sa mga nalilibang at naliligaw na kamalayan ng mga tao sa lipunan. At sa paglipas na nga ng panahon ay naging isang mapwersa na itong paraan ng pagpapahatid sa bawat kapwa Pilipinong makakapanood na tayo ay dapat maging mulat at gising sa kung anumang mga problema at isyu ang kinakaharap ng ating bansa.
Ang Oblation run ay isang halimbawa ng sining na kung saan gamit-gamit ang mismong hubad at natural na katawan ng tao bilang siyang instrumento sa paglikha at pagpresenta ng isang masining at simbolikong produkto. Ang walang takot na pagtakbo ng walang saplot sa katawan, sa harap ng daan-daang tao ay hindi nila ginawa at patuloy na ginagawa hanggang ngayon nang walang motibo at makabuluhang dahilan. Para sa akin, upang matawag na sining o art ang isang bagay o pagkilos man ay mahalagang mayroong isang produktong (nakikita man o nararamdaman lang) nagawa, at may kakayahan itong mag-udyok ng emosyon mula sa sinumang makakasaksi. Dito ay masasabi nating malaki ang papel na ginagampanan ng sining sa Oblation run. Ang anumang pag-iisip o emosyon na naudyok nito sa mga nakapanood ay isang napakabisa na panibagong instrumento muli ng sining, upang makalikha pa ng konektado at makabuluhan na artistikong produkto-- ang kamulatan sa mga pasanin ng lipunan na magdudulot sa pagkakaisa tungo sa pagsulong at pagbabago.

Lantern Parade '13
Ika-18 ng Disyembre 2013, huling araw ng klase bago mag Christmas break, mga makukulay at pinaghandaang mga lantern-floats ang pumarada sa acad oval at nasaksihan ng mga estudyante ng unibersidad at ng iba pang mga taong dumayo pa sa UP. Tulad ng Oblation run, ang Lantern Parade ay isa rin sa mga pinakahihintay na okasyon sa Unibersidad ng Pilipinas na ginaganap tuwing buwan ng Disyembre taon-taon.
Wala pang alas kwatro ay halos mapuno na ng mga nag-aabang na manunuod ang bawat baitang ng AS steps. Nakahanda na rin ang kanya-kanya nilang mga camera upang makakuha ng litrato ng mga lantern. Nag-umpisa ang parada sa pangunguna ng mga kawal ng UP ROTC na sinundan naman agad ng mga opisyal ng pamantasan ng unibersidad, kabilang na sina UP President Pascual at Chancellor Saloma. Sumunod narin na dumaan ang mga miyembro ng UPAA (UP Alumni Association) sakay ng kanilang behikolo na tila isang tren ang disenyo. Sunud-sunod naring pumarada ang mga faculty at estudyante ng bawat UP unit at kolehiyo, kasama ang kanilang mga pinepresentang lantern-floats.
Sa Lantern Parade ipinresenta ng bawat UP unit at mga kolehiyo ang kani-kanilang mga pinaghandaang lantern-floats, na ipinarada sa buong acad oval. Bukod sa bahagi ng pagdiriwang ng spirito ng kapaskuhan, kilala rin ang okasyong ito bilang isang paligsahan ng mga kolehiyo (maliban sa Kolehiyo ng Fine Arts) pagdating sa pagiging malikhain sa paggawa ng mga lantern. Ngunit sa taong ito ay may espesyal na makabuluhang temang ibinigay sa pagdisenyo ng mga lantern-floats. Hindi lingid sa kaalaman natin ang kamakailan lang na nangyaring super bagyo na si Yolanda, at ang kalunos-lunos na delubyong idinulot nito sa mga tao at pamilyang nawalan ng bahay at buhay. Kaya naman naisipang gamitin ang pamosong okasyon na ito upang makapaghandog ng tulong at pag-asa sa mga nasalanta ng kalamidad.
Noong mga nakaraang taon ay nakasanayan nang matunghayan ang mga malalaki, makukulay at higit na magagarbong lantern. Maaaring sabihin na talagang pinagkakagastusan ang paligsahang ito. Ngunit sa panahon ngayon ay napagdesisyunan na ang mga gagawing lantern ay kailangang maglaman ng mga recycled materials o di naman kaya'y mga relief goods na handog sa Yolanda victims. Ito ay upang maipakita ang ating pagdamay at pakikibagay sa mga nasalanta ng bagyo, nang hindi rin naman naisasakripisyo ang pagdiriwang ng pasko. Kung sabagay, ang tunay naman talagang diwa ng pasko ay ang pagtutulungan at pagdadamayan ng bawat mamamayan. Kung hindi mo alam na may ganitong panukala ay marahil magtataka ka sa una kapag nakita mo na ang hitsura ng mga lantern, tulad nalang ng nangyari sa akin. Hindi ko alam na espesyal pala ang tema ng Lantern parade sa taong ito kaya naman ay nagulat ako nang makakita ako ng mga instant noodles, mga tsinelas, mga kinulayang plastic bottles at kung anu-ano pang mga bagay na nakikita sa pangkaraniwang sari-sari store. Gayunpaman ay naipakita parin ang pagiging tunay na malikhain ng mga nagdisenyo ng mga lantern. Sa kabila ng pagnanais na makapag-alay ng tulong at pag-asa ay hindi parin naman naikompromiso ang pagiging nakakaaliw at kaaya-ayang estetika.

![Picture](/uploads/2/4/2/7/24273993/1388973680.jpg)
Bukod sa mga lantern ay mayroon ding kanya-kanyang pagtatanghal ang ilang mga estudyante ng bawat kolehiyo. Maging ang ibang mga miyembro ng faculty ay nasaksihang sumayaw at nag-chacha kasabay ng mga mascots nilang kasama.
Hiniyawan rin ng mga manunuod ang punung-puno ng enerhiya na pagsayaw ng UP Pep Squad. Talagang kahanga-hanga ang kanilang talento na nagbigay ng labis na aliw sa mga tao.
Hiniyawan rin ng mga manunuod ang punung-puno ng enerhiya na pagsayaw ng UP Pep Squad. Talagang kahanga-hanga ang kanilang talento na nagbigay ng labis na aliw sa mga tao.
![Picture](/uploads/2/4/2/7/24273993/1388977891.jpg)
Hindi lamang mga estudyante ng unibersidad ang sabik na matunghayan ang parada ng mga lampara. Maraming dumadayo sa UP mula sa iba't ibang bahagi ng Maynila, maging ang mga taga ibang unibersidad, para lang makibahagi sa okasyong ito. Sa sobrang dami ng taong nagsisiksikan na makapanood ay hindi ka na magtataka kung bakit may ilang napipilitang umakyat sa mga matataas na lugar, kahit na delikado, para lang makita ang mga lantern.
Isa rin sa mga pinakang nakakuha ng atensyon ng mga manunuod ay ang tila isang mini-rally na ginawa ng STAND UP at ng mga estudyante na mula sa UP Tacloban. Ilan sila sa mga survivors ng naganap na super bagyong Yolanda at naging cross-registrants dito sa UP Diliman. Maging sila rin ay may sariling inihandang lampara. Ipinapakita lamang na hindi talaga mawawala ang alab ng damdamin nila na lumaban at makuha ang pansin hindi lamang ng mga opisyal sa gobyerno, kundi maging ng mga tao mismong nakakarinig sakanila. Ang Lantern Parade ay isang napakagandang oportunidad, marahil ay dahil narin sa napakaraming manunood, upang maiparinig ang mga hinaing at pagkilos ng mga lumalaban.
Ang Lantern parade ay isa ring paraan ng pagtatanghal ng kultura at sining ng mga Pilipino. Dito ay muling ginamit ang sining upang maiskaparte hindi lamang ang pagiging malikhain natin, kundi lalo na ang ating kultura mismo. Malaking papel rin ang ginampanan ng sining sa pagdiriwang ng kapaskuhan sa unibersidad sa kabila ng nangyaring mga trahedya sa bansa. Nagsilbing instrumento ang mismong mga bagay at relief goods sa paglikha ng mga artwork na hindi lamang nagbigay aliw, kundi naging tila pagbalita o pagpapakita narin sa mga tao ng kalagayan ng ating mga kababayan. Sa paraang ito, ang pagdiriwang natin ng kapaskuhan, sa tulong ng sining, ay naging mas makabuluhan at mapagbigay ng pag-asa. Ito ang kapangyarihan ng sining.